Call center agent nagbaril sa sarili

PATAY ang 43-anyos na call center agent matapos magbaril sa sarili sa loob ng isang hotel, Huwebes ng gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Eric Custodio, ng 12 Matthew st., Multinational Village, Parañaque City.

Ayon kay Macaraeg, patay na nang kanilang datnan ang biktima sa room 305 ng Soho Hotel, sa 2016 MH del Pilar st. Malate, Maynila.

Nakita malapit sa kamay ng biktima ang .358 magnum baril, hinihinalang  ginamit sa pagpapakamatay.

Napag-alaman na dakong 6 ng gabi nang pumasok ang biktima sa naturang hotel na mag-isa  at tila malungkot.

Ilang oras pa lamang ng pamamalagi ng biktima nang umalingawngaw ang putok ng baril.

Nang tunguhin ng mga roomboy ang kuwarto ni  Custodio ay tumambad sa kanila ang duguang katawan ng biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may  foul play sa pagkamatay ni Custodio o kung ano ang motibo sa kanyang pagpapatiwakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply