Cardinal Rosales nanawagan para suportahan ang ‘Alay Kapwa 2011’

UMAPELA sa publiko si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales na makiisa at suportahan ang kanilang programang ‘Alay Kapwa 2011’ ngayong Lenten season.

Nagpalabas ng isang pastoral letter si Rosales para sa mga parokya na sakop ng Manila Archdiocese at ipinag-utos ang pagpapatupad ng special second collections para sa Alay Kapwa sa loob ng anim na araw ng Linggo sa buong panahon ng Kuwaresma.

Noong mga nakalipas na taon, ang Palm Sunday ay idinideklara ng simbahan bilang Alay Kapwa Sunday at lahat ng koleksiyon na makukuha mula sa mga misa sa mga simbahan sa nasabing araw ay napupunta sa Alay Kapwa.

Ngayong taon, lahat ng anim na Linggo sa buong panahon ng kuwaresma, kabilang ang Marso 13, 20 at 27, Abril 3, 10 at 17, ay idineklarang Alay Kapwa Sunday ng simbahan.

“We are trying to raise the consciousness concerning key issues that affect our society while raising funds to be prepared for disaster and calamities.  Our environment and how we should care for it is the focus this year,”  ayon naman kay Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila.

“In the past, we would implement Alay Kapwa only during Palm Sunday. But this year, we will do it during the six Sundays of the entire Lent,” dagdag pa niya.

Ang Alay Kapwa 2011 ay isang Lenten evangelization-action program ng Simbahang Katoliko na ipinatutupad sa buong bansa ng Caritas Filipinas.

Ang perang malilikom mula sa Alay Kapwa ay ginagamit ng simbahan upang pondohan ang social services at development programs ng mga simbahan para sa mga mahihirap sa buong bansa.

Kabilang sa mga parokyang sakop ng Archdiocese of Manila ay ang mga lungsod ng Manila, Makati, Pasay, San Juan, at Mandaluyong. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply