Carla Abellana type nang pakasalan ni Geoff Eigenmann

ISA sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa showbiz couples na hindi nag-deny sa simula pa lamang tungkol sa kanilang relasyon.

Kaya naman walang kiyeme ang magdyowa kung sumagot kapag ang tanong ay tungkol sa kanilang relasyon.

Sa fan’s day at birthday celebration ni Geoff na ginanap sa Scout Gandia, Quezon City, sobrang vocal ang aktor sa pag-amin na maaaring mauwi sa kasalan ang relasyon niya sa kanyang girlfriend.

“Yes, I see my self spending the rest of my life with her, [getting] married but I don’t want to give a specific time. Hopefully soon, kasi tumatanda na rin kami.”

“We’re happy, very happy. Sa akin this is really something different from relationships I’ve had before. Sa amin [priority ang] communication and honesty, that’s what we have. Kumbaga wala kaming tinatago and everyone [knows] that.”

Inamin ni Geoff na mula nang maging girlfriend niya si Carla, things seem to just fall into place.

“Maraming magandang nangyari sa akin mula nang maging kami. After I met her, parang everything [came together], my personal life, my family, friends, work, lahat. Everything is positive talaga, things are different,” aniya.

Nang ipina-describe namin kay Geoff kung ano bang klaseng girlfriend si Carla, hindi mahanap ni Geoff ang sapat na words na makaka-describe sa girlfriend.

“Hirap e, she’s amazing, she’s one of a kind, incomparable. Ang daming words na puwedeng gamitin to describe her. Carla is someone you want to bring home to meet your family.”

Masaya ring ikinuwento sa amin ni Geoff ang maganda relasyon ng pamilya ng isa’t-isa.

“Okay na kami ng Dad niya. Nagkita kami last year, nung nagkadespidida sa kanila. I was there for lunch. Okay naman. Everything went well.

“With my family naman, wala siyang problema. This Holy week, we’re planning something with my family and her family. Dito-dito lang,” sabi niya.

“I will be turning 26 this coming March 26. Ayon kay Carla, may gift siya para sa boyfriend niya, pero hindi ito ibabalot gaya ng ginagawa sa mga ordinaryong regalo.

“Yun nga, I don’t know, I’m not really expecting anything. Wala naman akong nakikitang inaasikaso niya, everything she’s doing patago. Maybe it’s really a surprise.”

Magkapareha ulit si Geoff at Carla sa Magic Palayok pagkatapos na subukang ipareha sila sa ibang mga artista.

Ano ang advantages and disadvantages ng pagkakaroon ng relasyon sa magka-love team?

“There are pros and cons. But right now we’re happy. We’re collaborating ideas on my character and with her character, sa mga eksena namin. Basta right now everything is positive and masaya kami,” aniya. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply