Cartographic sketch ng babaing kumidnap sa bagong silang na baby inilabas na

NAGPALABAS na ng cartographic sketch ang MPD-Women and Children Concern Division (MPD-WCCD) sa isang babae na tumangay sa bagong panganak na sanggol na kalalabas lamang sa Ospital ng Sampaloc.

Base sa ibinigay na impormasyon ng kapatid ng suspek na si Rodora Aradanas ng 1000 Int. 20 Gerardo St., Sampaloc, Maynila sa nasabing tanggapan, ang totoong pangalan ng babaeng suspek na tumangay sa bagong panganak na sanggol ay Melogine Jarasa “alyas Melon,” 40, may taas na 5’ hanggang 5’2”, kayumanggi, may mga nunal sa  ibabang bahagi ng kaliwang mata at gilid ng kanang ilong.

Ayon kay P/C Insp.Anita Araullo, nakumpirmang si Jarasa ang nakitang kasama ng ina ng sanggol na si Marjorie Angoy na lumabas ng naturang ospital sa pamamagitan ng record sa CCTV.

Matatandaan  na Marso 22 nang ipanganak ni Angoy ang kanyang sanggol na babae sa naturang ospital kung saan nakilala niya ang suspek na nuoy nagmagandang loob at kinaibigan ang ginang.

Agad na nagtiwala si Angoy sa suspek kaya nang lumabas ito ng ospital nuong Marso 23 dakong alas 5:45 ng hapon ay kasa-kasama ang suspek na siyang kumarga sa bagong silang na sanggol.

Pagsapit umano sa Earshaw St at lacson St., sa Esapana ,Mayni  ay pinilit umano ng suspek na mag-CR sa RCJ Bus ang ginang at nang bumalik ito sa kinatatayuan ng suspek ay nawala na lamang ito na parang bula tangay ang “baby”.

Dahil dito agad na humingi ng tulong ang ginang kina Concepcion Bagtas,Rey Alcantara at Rogelio dela Rosa na pawang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang umalalay sa kanya na dumulog sa MPD headquarters. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply