Casimero gigibain si Mthalane

NAGPAHAYAG si Pinoy pug Johnriel Casimero na nakahanda na siya sa kanyang laban kay IBF flyweight champion Moruti Mthalane sa March 26 sa South Africa.

Si Casimero na nawalan ng WBO interim world light flyweight title sa kamay ni Ramon Garcia Hirales noong July 24, 2010 ay nagsasanay na ngayon para sa laban sa Omega Boxing and Workout Gym sa Mabolo, Cebu City.

Para umano maging kondisyon siya ay naglalaro siya ng basketball para sa pangarap niyang maging kampeon muli sa mundo.

Sinabi naman ni Casimero na nanghinayang siya na hindi natuloy ang itinakda niya sanang laban kay Raul Hirales Jr. ngunit nagpasalamat naman siya dahil may mas malaking laban na naghihintay pa rin dito. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply