Casualties na Pinoy sa Japan posible

MALAKI ang posibilidad na may Filipino na nadamay sa malakas na lindol na tumama sa Japan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Malaya, asahan nang may Pinoy na nakasama sa mga casualties sa dami nang napaulat na nawawala.

Ipinahayag ni Malaya na isang milagro ang kailangan para masabing lahat ng mga Pilipino ay ligtas.

Tinatayang sa Tohoku region, may 4,500 Pilipino ang naninirahan habang sa Miyagi prefecture ay may 1,039 ang OFWs.

“Wala pang kumpirmadong fatality. Although sa bilang na nakikita, 1,6000 casualties, andaming nawawala, unaccounted for, we should expect that there are fatalities. It would take a miracle for us not to have fatality,” ayon kay Asec. Malaya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply