Cavs binawian si James

KUNG meron gustong talunin ang Cleveland Cavaliers walang iba kundi ang nilalaruan ni LeBron James na Miami Heat.

Kahapon pinalamig ng Cavaliers ang Heat, 102-90 upang itarak ang pinakamatamis na panalo sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association regular season.

Masama ang loob ng Cavs kay superstar James matapos silang iwan ng huli nakaraang taon at maglaro sa Heat kaya naman naging matatag ang una upang ilabas ang kanilang galit sa dating kakampi.

Nagtulong sina Cavs J.J Hickson, (21 pts. 12 rebounds, one assists) at Anthony Parker, (20 pts. seven rebounds, two assists) para makaganti sa Heat matapos silang matalo noong Disyembre 2, 2010.

Hinabol ng Heat ang 23 puntos na lamang sa kanila ng Cavaliers at dahil sa pitong 3-pointer na sinalpak ni Mike Bibby ay naitabla ng una ang score sa 83 may 7:03 pa ang nalalabi sa huling canto.

Subalit sa huling 4:24 ng laban ay hindi na naka score ang Miami at manatiling nasa pangatlong puwesto ng team standing sa Eastern Conference na may 51-23 win-loss card.

Si James ang nag top score sa Heat kung saan ay naka triple double performance ito (27 puntos, 12 assists, 10 boards) habang pumangalawa si Dwyane Wade, (24 pts. six assists, four rebounds.

Nag-ambag din si Bibby ng 23 puntos, dalawang rebounds at isang assist kabilang ang 7-11 shooting sa 3-point area.

Samantala, sa ibang NBA resulta, tinalo ng Houston Rockets ang New Jersey Nets, 112-87 habang nanalo sa overtime game ang Oklahoma City Thunders sa Golden State Warriors, 115-114. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply