CBCP umaasa pang maililigtas ang 3 Pinoy sa death row

PATULOY na umaasa ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkakaroon ng ‘himala’  at maililigtas pa ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) na bibitayan sa China sa kasong drug trafficking.

Hinimok ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), ang mga Pinoy na patuloy na manalangin upang mailigtas sa bitay ang mga naturang  Pinoy.

“Let’s continue to pray, something good may still happen,” ani Iniguez.

Labis ang kalungkutan ng CBCP matapos na mabatid na hindi na mapagbibigyan pa ng Chinese government ang apela ng Pilipinas na mapababa sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa nina Ramon Credo, Sally Villanueva at Elizabeth Batain.

Ayon sa Chinese Embassy, pinal na ang hatol na bitay ng kanilang Supreme Court.

Sinabi rin ni Iniguez na nauunawaan naman nila ang pag-aalala ng mga Pinoy para sa mga kababayang bibitayin, ngunit dapat din daw na unawain ng mga Pinoy, na labis din ang pag-aalala ng China sa kanilang mga mamamayan na napapahamak dahil sa iligal na droga.

“It is indeed a very sad news …we could only pray for these countrymen of ours and others meted out the death sentence,” pahayag naman ni Maasin Bishop Precioso Cantillas, chairman ng CBCP- Episcopal Commission for Pastoral Care of Migrants and Itinerant People.

Ayon pa kay Cantillas, dapat ding ipanalangin ang mga pamahalaan na nagpapatupad ng capital punishment na mamulat ang mga ito at pahalagahan ang buhay, at magbigay ng pagkakataon para sa ‘human rehabilitation.’

Samantala, sinabi naman ni Rodolfo Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, sa kabila ng pahayag ng Chinese Embassy, dapat pa ring patuloy na umapela ang pamahalaan sa Chinese government.

Ani Diamante, bagamat totoong dapat na respetuhin ang batas ng China, dapat rin naman aniyang respetuhin ang “law of humanity for humanitarian reason.”

“Maybe out of goodwill, they will be given another chance,” pagtatapos pa ng CBCP official. Kyle Gatus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply