Cebuana Lhuillier at Pharex Generics maagang nagpasabog

INIREHISTRO ng pre-tourney favorite Cebuana Lhuillier Gems at ng Pharex Bidang Generics ang unang panalo sa PBA D-League Foundation Cup sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinasingaw ng Bidang Generics ang amoy para tabunan ang Black Water 100-90 tungo sa pagsampa sa mga kapwa initial game winners na Pacific Pipes, NLEX Road Warriors, Cobra Energy Drink at FCA Cultivators.

Hindi nagpahuli ang Cebuana Gems ni coach Luigi Trillo ng umarangkada sa 2nd half para ilabas ang kinanag sa 83-62 kontra palabang Cafe France na nakipagsabayan sa unang 2 canto.

Si former-Tamaraws cager Marrlon Adolfo ay kumana ng 25 puntos habang ang dating San Diego State point maker na si Jason Deupcanse ay sumalya ng 16 sa pagpapahirap sa Black Water elite na  pinangunahan naman nina Rocky Asidre (22) at Gio Ciriacruz (21).

Ang mga pambato ng Cebuana Lhuillier na sina Alain Maliksi, Marvin Hayze at James Siena ay nagtulong sa kabuuang 40 puntos para ipalasap sa Cafe France ang kabiguang sa bagong tatag na basketball league. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply