Celtics nanaig sa physical games laban sa Knicks

PAREHONG gustong manalo kaya naman naging madugo ang labanan ng matagal ng magkaribal sa Atlantic division – Ang Boston Celtics at New York Knicks.

Matapos ang laban kung saan nanaig ang Celtics sa Knicks, 96-86 sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season ay parehong mga duguan ang players ng magkabilang koponan.

Tagas ang dugo ni Celtics guard Ray Allen ng masiko siya ng kalabang si Jared Jeffries sa isang rebound kaya napilitang itong lumabas sandali sa third canto.

Habang papalabas ng hard court si Allen ay pinupunasan nito ang kanyang ulo na duguan.

Duguan din ang ilong ni Celtics bench player na si Troy Murphy habang semplang sa court ang kakampi nitong si Glen Davis matapos siyang masiko sa ulo ni Knicks star player Carmelo Anthony.

Nagkaroon din ng hiwa sa itaas ng mata si Anthony matapos silang magbanggaan ni Rajon Rondo sa isang inbound pass kung saan ay nakuha ng huli ang bola habang lagapak sa sahig ang una.

Bumira ng 24 puntos, 11 rebounds at isang assist si Kevin Garnett upang isalo ang Celtics sa top spot ng Eastern Conference na may 50-19 win-loss card.

Magkasama sa tuktok ng EC ang Boston at Chicago Bulls matapos tambakan ng huli ang Sacramento Kings, 132-92. Nag-ambag din si Paul Pirce ng 21 pts. six boards at two assists para sa opensa ng Celtics habang nakaiskor din sina Allen at Rondo ng 15 at 13 points ayon sa pagkakasunod.

Nailista ng Knicks ang anim na talo sa pitong laro at 7-9 panalo-talo simula ng makuha nila sa team si Anthony kaya ayon sa mga basketball analyst, gaano katagal magiging ganap na team ang isang koponan kapag mayroong mahigit sa isang superstar players.

“Hopefully two, three years,” pabirong saad ni Celtics coach Doc Rivers.

Si Anthony ang nag top score para sa Knicks na may 22 pts. five rebounds at three assists.

Samantala, nagwagi ang Indiana Pacers sa New Jersey Nets, 102-98, habang patuloy na ipinakikita ng San Antonio Spurs ang lakas ng kanilang team matapos talunin ang Golden State Warriors, 111-96. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply