Centenarians dadagdagan ng benepisyo

“HONORING and rewarding Filipino centenarians is a fitting testimonial to our giving value to life and life-long achievements.”

Ito ang naging pahayag  ni Minority Leader at Albay Representative Edcel C. Lagman, may akda ng  House Bill No. 834 or “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, Declaring the 25th of September as National Respect for Centenarians Day and for Other Purposes.”

Ang nasabing panukala ay naaprubahan noong nakaraang linggo ng House Committee on Population and Family Relations at nakakuha ng unanimous vote.

Sinabi ni  Lagman na ang  centenarians ay mga role model para sa ibang tao dahil sa umabot ang mga ito sa edad na 100. Aniya, makalipas ang tatlong dekada  ang kasalukuyang  life expectancy ay nag-aaverage  na lamang  ng 71 years.

Nakasaad  sa  centenarian bill na ang mga  Pinoy kahit na nasa ibang bansa  ay  makakatanggap ng  mga sumusunod  sa sandaling maisabatas ito:

1) cash gift na  P100,000 pagsapit ng kanilang 100th birthday at congratulatory letter mula  sa Pangulo ng  Pilipinas;

2) Karagdagang cash reward mula sa local government unit kung saan  siya nakatira ;

3) posthumous plaques of recognition sa  pagbibigay ng   honor sa lahat  ng namatay  na  centenarians bago  maging  epektibo ang batas  na ibibigay  sa  pinakamalapit na kamag-anak nito.

4) fifty percent  (50%) discount at exemption mula  sa  value added tax (VAT) sa mga centanarians.

Nakasaad  din sa panukala ang “Centenarians Day” kung  saan ang mga  Pilipino  na   magiging   centenarians ay bibigyan ng plaque of recognition at cash incentives  sa isang seremonya sa kani-kanilang  lungsod  o munisipyo.

Sinabi pa ni  Lagman  na habang  iwinawasto  at  paulit-ulit  ang pagsasabing   ang  mga kabataan ay  pag-asa ng  bayan, ay  dapat  din nating  kilalalanin  ang   mga  matatandang  Pinoy  partikular   na  ang   centenarian, ang  siyang katuparan  ng  bayan.

Noong 2007  may kabuuang 7,323 Filipino centenarians, 4,206 dito ay kababaihan at 3,117  ay  kalalakihan.

Sa United States  naman, ang may pinakamaraming  bilang ng  mga  centenarian ay tinatayang  may 72,000. Pumapangalawa naman ang Japan na may  centenarian population na  30,000.

Ang  China, sa pagsapit ng 2050 ang sinasabing magkakaroon ng pinakamaraming centenarian na  tinatayang aabot sa 450,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply