Chaiyong sibak kay Cuello

NANALO via 9th round technical knockout kontra kay Samat Chaiyong ng Thailand si WBC International minimumweight titlist Denver “the Excitement” Cuello sa salpukang ginanap sa Ynares Gym sa Angono, Rizal.

Ginamit ni Samat ang buong ring upang makaiwas sa mga malulupit na suntok ng Pinoy subalit sa 4th ay nahuli siya ni Cuello at tinarget ang midsection ng Thailander. Pinadapo rin ng Pinoy ang kanyang matutulis na kaliwa sa ulo ni kalaban.

Simula sa 5th hanggang 8th rounds ay ginawa na lang punching bag ni Cuello ang kalaban na walang ginawa kundi ang magpaikot ikot sa ring at dahil naging predictable na ang mga galaw nito.

Sa 9th round, na-trap ni Cuello si Samat sa blue corner at pinaulanan ito ng malalakas na suntok kaya pinahinto na ni referee Bruce McTavish ang laban upang maiwasan ang makaiwas ang Thailander sa matinding pinsala sa laban.

Ayon sa mga boxing analyst, malakas at matibay si Chaiyong subalit wala naman duda na kontrolado ni Cuello ang laban.

Ayon kay promoter Aljoe Jaro, muling lalaban para sa title shot si Cuello bago matapos ang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply