Charlie Sheen sinibak sa kanyang TV series

INALIS na ang US actor ng si Charlie Sheen sa kanyang hit na TV series na “Two and a Half Men” matapos itong tuligsain ang kanyang producers, ayon sa Warner Brothers.

“After careful consideration, Warner Bros. Television has terminated Charlie Sheen’s services on ‘Two and a Half Men’ effective immediately,” ayon sa naturang kompanya.

Ang nasabing palabas ay sinuspinde na ang pag-eere makaraang banatan ni Sheen sa iba’t ibang tv shows si Chuck Lorre, ang producer ng series, dalawang linggo na ang nakararaan.

Tinutuligsa ni Sheen ang producer ng show dahil sa pagiging anti-Semitism o pagiging anti-jewish nito.

Nitong Nobyembre 2010, ang actor ay nag-file ng divorce sa kanyang asawa
pagkatapos itong dalhin sa ospital dahil sa napabalitang paglalasing nito kasama ang isang porno star sa isang hotel sa New York.

Siya rin ay napaulat na nalulong sa ipinababawal na gamot at alak dahilan ng kanyang pabagu-bagong pag-uugali. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply