Charo Santos nasa loob ang kulo?

SA TRUE, in bad taste talaga ‘yung sinabi ni Ruffa Gutierrez na kay Charo Santos patterned yung character niya bilang Orchidia sa Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Na sinabi nga ni Ruffa, amiable, mabait pero nasa loob ang kulo ng character. It is just like saying na nasa loob ang kulo ni Charo Santos.

Sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng nasa loob ang kulo ay mahinhin pero pagdating sa sex, todo-todo. Or yung iba naman tatahi-thaimik pero sa loob nito ay mga bagay na puwedeng gawin. Offending talaga, kumbaga.

So far, silent lang si Charo sa isyu at hindi pa nagsasalita ng for or against it.

Nakarating na nga kay Ruffa G na masama’ng loob ni Charo Santos dahil sa statement niya. Pero ayaw maniwala nitong masama ang loob ni Charo Santos sa kanya matapos niyang sabihin na ang kanyang role sa Mga Nagbabagang Bulaklak ay tulad ng kay Miss Charo na may mga hawak na talent at paiikutin niya ang buhay ng kanyang mga talent sa paraang gusto niya, dahil nasa loob ang kanyang kulo.

“Naku, I’m sure hindi naman papatulan ni Ma’am Charo ang intrigang ‘yan dahil alam naman niyang hindi gano’n ang gusto kong sabihin. Ang totoo, bakit ko sasabihin sa kanya ‘yon, e ang laki-laki ng respeto ko sa kanya,” sey ng TV host-actress.

Sinabi rin ni Ruffa na totoong kung minsan ay iba ang sinasabi niya sa gusto niyang ipakahulugan.

“Madalas kasing nangyayari, nakakain ko ang mga word na tamang gamitin at napapalitan ito ng mga linyang hindi gano’n kagandahan, kaya kapag inaatake ako ng gano’n, kung minsan nakakalimutan ko kung ano ang kahulugan nang gusto kong sabihin. But I’m sure, wala ‘yon kay Ma’am Charo dahil wala namang dahilan para magsalita ako ng gano’n sa kanya,” pahayag ni Ruffa habang tuwang-tuwang pinanonood at pinakikinggan ang pagkanta ng dalawang anak.

Say mo, Madam Charo?

SARAH GERONIMO AT INANG SI DIVINE, MGA DUWAG DIN PALA

DUWAG naman pala ang mag-inang Sarah Geronimo at Divine something.  Akala mo kung sinong matatapang na kesyo ganyan at ganito nung isiwalat nila sa isang magazine ang sama ng loob nila kay Cristine Reyes.

In print, ang tapang nilang mag-ina na kesyo ganyan at ganon pero pag nagkita naman pala sila, ayun, sumuko at humingi ng kapatawaran.

Actually, marami ang nakasaksi pero tinawanan lang nila’ng mag-ina.

Noong Linggo kasi sa ASAP, napadaan ang mag-ina sa dressing room ni Cristine, ayun, sinagilahan yata ng takot, ninerbiyos na hindi na nakaiwas kay Cristine, sa halip niyakap ito nang mahigpit ni Sarah at buong pagsisising humingi ng sorry dito.  “Bati na tayo, hindi naman totoong nainis ako sa ‘yo nang mag-tweet ka laban sa akin,” sabi pa raw ni Sarah G.

Pati nanay niyang si Divine, ganun din ang ginawa .

O sino ngayon ang lumabas na may kasalanan? Sino ang nag-imbento lang?

Sa true, kay Cristine pa rin ang huling halakhak.

O baka naman gimik lang ito ng mag-ina para sila pag-usapan?

Ang plastik ay plastik at plastik!

Sabi nga ni Benny Andaya, baka lumutang kayo sa tubig! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply