Chevron nag-rollback sa presyo ng krudo

NAGTAPYAS ng 25 sentimos sa presyo ng produktong diesel ang Chevron nitong Biyernes, Marso 4.

Ang rollback ay ipinatupad alas-dose ng tanghali.

Ayon kay Toby Nebras, ang pagbulusok sa presyo ng diesel ay ipinantay lamang sa ipinatupad na presyo ng Shell, Petron at ibang oil company sa 75 sentimos kada litro ng kanilang produktong diesel.

Magugunitang nagpatupad ang Chevron kahapon ng dagdag P1 kada litro ng kanilang produktong petrolyo, samantalang ibang oil companies ay nagpatupad ng P1 sa kanilang produktong gasoline at 75 sentimos lamang ang ibinaba sa diesel.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply