Chile nilindol

NILINDOL ang bansang Chile ng 5.3 magnitude ayon sa U.S. Geological Survey ngayon araw ika-17 ng Marso.

Pinasayaw ang mga buildings sa Santiago City, ang capital ng bansa, base sa mga saksi.

Wala namang naitalang mga nasira o nasaktan ayon sa mga kinauukulan.

Ang sentro ng lindol ay 45 milya mula sa lungsod ng Valparaiso at may lalim ng 15.3 milya.

Noong nakaraang taon ang Chile ay tinamaan ng isang malakas na lindol na 8.8 magnitude na nakapinsala ng maraming inprastruktura.-Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply