Chinese National tiklo 3.6 kilong shabu

BAGSAK sa kamay ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang isang Chinese national makaraang mahulihan ng tinatayang 3.6 kilong shabu, Sabado ng hapon, Marso 12, sa Quezon City.

Sa ulat na ipinadala ng NCRPO Public Information Office, kinilala ang nadakip na si Renato Go Ling, alyas “Ato Go” o “Doctor Go”, 49, tubong Fukien, China, ng 500-9 Peña Avenue, Sta. Mesa, Maynila.

Base pa sa ulat, isang police asset ang nagsilbing poseur buyer kung saan nadakma ng operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) si Go matapos magkaabutan ng bayad sa shabu dakong 5:30, Sabado ng hapon, sa tapat ng Genesis Christian School sa Araneta Avenue, Barangay Doña Imelda, Quezon City.

Nakumpiska sa suspek ang 3.6 kilong shabu na may street value na P17.5 milyon.

Narekober din sa kanya ang isang cellular phone na ginagamt sa pakikipagtransaksyon, P20,000 buy bust money, at isang silver Isuzu Altera.

Sinabi ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome na ang pagkakadakip kay Go ay resulta ng ipinatutupad nilang Case Operation Plan (COPLAN) “Ice Meltdown” na layong malambat lahat ng malalaking isda na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Si Go ang ika-10 Chinese national na naaresto ng RAIDSOTG at nahaharap ngayon ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply