Chiz: Dapat kastiguhin ang magulang ni Jan-Jan

WALANG ibang dapat sisihin at kastiguhin kundi ang mga magulang ni Jan Jan, ang anim na taong gulang na nagsayaw na “dirty dancing” sa programa ni Willie Revillame noong Marso 21 sa harap ng milyong televiewers.

Ganito ang pananaw ni Sen. Francis “Chiz” Escudero  sa sinasabing pananamantala kay Jan Jan ng show ni Revillame dahil alinsunod sa batas, isa na itong uri ng child exploitation.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, kung personal siyang tatanungin, hindi rin niya gusto at pumapayag sa ganitong pananamantala ng alinmang programa sa telebisyon.

“Personally I also did not like and agree with what I saw and with what was done to the little boy but I blame the parents of the boy more than anyone else for just standing there and for allowing it to happen,” aniya.

Dahil dito, inatasan ni Escudero ang Department of Social Welfare and Development )DSWD) at Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) upang suriin ang footage ng pagsasayaw ni Jan Jan kung may pagsasamantala sa kamusmusan ng bata.

Nauna nang kinondena ng DSWD ang pangyayari na naghudyat upang magpalabas ng pahayag ang magulang ni Jan Jan sa pagsasabing “hindi inabuso ang anak namin.”

Maraming sektor din ang nanawagan sa pamahalaan na paimbestigahan ang naturang insidente na nagpakilos naman sa Palasyo para ipakalkal sa DSWD at Commission on Human Rights ang nangyari. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply