Cholera outbreak sa Somalia 20 patay

NAMATAY ang mahigit sa 20 katao dahil sa cholera outbreak sa Somalia.

Ang nasabing sakit ay isang impeksyon sa small intestine o maliit na bituka na sanhi ng  bakteryang “vibrio cholerae” na maaaring makuha sa pagkonsumo ng kontaminadong pagkain at inumin.

Ayon sa mga ulat, marami sa mga pasyenteng tinamaan ng cholera ay mga bata na kasama sa mga lumikas na mamamayan upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap doon.

Inihayag din ng isang doktor sa Benadir maternity hospital na si Dr. Lul Mohamed na marami na ang pasyente sa nasabing ospital at nagkakaroon na ng kakulangan sa medical supplies dito. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply