Christina Aguilera, BF, arestado

NAHULI si Christina Aguilera at ang kanyang boyfriend makaraang parahin ito ng mga awtoridad sa paghihinalang nagmamaneho ng lasing malapit sa isang night club sa Hollywood.

Si Aguilera ay dinala sa istasyon ng pulis kasama ang kanyang kasintahan at sinampahan ng public intoxication at drunk driving naman ang kayang bf na si Matthew Rutler.

Nakalabas kaagad ang naturang US pop singer sa piyansang $250 at hindi na umanong kailangan niyan magpakita sa korte para maghain ng piyansa, ayon ito kay Steve Whitmore, ang tagapagsalita ng police station.

Samantala ang kanyang kasamang si Rutler ay magpipiyansa ng $30,000 dolyar para pansamantalang makalaya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply