Civil Service eligibility sa sanggunian members, isinulong

ISINULONG sa Kamara ang panukala na humihiling na pagkalooban ng civil service eligibility ang lahat ng sangguniang members lalo na ang may tatlong magkakasunod na termino.

Ayon kay Rep. Daryl Grace Abayon (Party-list, Aangat Tayo), may-akda ng House Bill 3678, pagkakalooban ng sub-professional eligibility ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlunsod at Sangguniang Panlalawigan members na nagsilbi ng tatlong magkakasunod na termino.

Marapat lang umanong mabigyan ang local officials ng civil service eligibility dahil sa kanilang katapatan sa serbisyo publiko at sa pamamagitan nito ay lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang tungkulin.

Nais ng nasabing panukala na amyendahan ang Section 393 ng Republic Act 7160, o mas kilala sa Local Government Code of 1991.

Sinabi ni Abayon na sa ilalim ng Local Government Code of 1991, ang mga barangay official ay nabibigyan ng kaukulang civil service eligibility base sa bilang ng kanilang taong pagseserbisyo samantalang wala ang ganitong benepisyo sa Sanggunian members. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply