Climate change mas tutukan kaysa radiation

MAHIGPIT na pinagtutuunan ng pansin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang epekto ng climate change kaysa radiation leak mula sa nuclear power plants sa Japan.

Ito ang sinabi ni Science & Technology Undersecretary Graciano Yumul dahil mas higit  aniya ang epekto nito lalo na sa pagguho ng lupa sa Leyte at Bohol dahil sa pagbabago ng klima.

Sa ngayon ay mas nakatutok ang mga ahensya ng pamahalaan sa epekto ng nuclear radiation, na wala naman aniya gaanong epekto sa bansa hindi katulad sa actual na kaganapan sa pagbaha at landslide sa Visayas at Mindanao na umaabot na sa siyam ang namamatay at 15,000 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Dinagdag pa ni Usec Yumul na kakaiba ang takbo ng panahon, dahil Marso na aniya pero hindi pa nararanasan ang Northeast Monsoon.

Sa susunod na linggo aniya, tinataya ng Pagasa na uulanin ang silangan bahagi ng Mindanao at Davao area. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply