Clinic inararo ng Revo, 1 patay, 8 sugatan

ISA ang namatay habang walo ang nasugatan makaraang araruhin ng isang Chinese national na sakay ng kanyang Revo ang isang H.T Diagnostic Clinic sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot ang walong biktima sa Chinese General Hospital sanhi ng mga tinamong sugat at bali ng buto sa katawan, habang dead on the spot naman si Solomon Fortiz, 70c.

Malubha rin ang kalagayan ng driver ng Alpha Delta Revo (WPD-823) na si Peter Chan, 65, may-asawa at naninirahaan sa #38 Tabayog St. Brgy. Sheena Quezon City.

Sa imbestigasyon ni Police Investigator Traffic Management Sector 1 Eddie Maglente, naganap ang insidente bandang 6:50 ng umaga sa San Francisco Del Monte ng nasabing lungsod matapos na mabundol ang nasabing klinika na pumasok sa loob ang sasakyan nito.

Napag-alaman din na nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa loob ng nasabing klinika at masagasaan ang mga tao sa loob na kasalukuyang nagpapa-checkup.

Dahil sa bilis ng takbo ng nasabing sasakyan ay una nitong nabundol si Fortiz na pumailalim sa sasakyan dahilan para bawiin agad ng buhay.

Agad na isinugod ng ilang saksi ang mga biktima pati na ang driver sa nasabing ospital. R.A. Marquez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply