Cobra, Pharex leader sa PBA D-League

MAGKAPANTAY ang Cobra Ironmen sa liderato ng group B at ang Group A leader na Pharex kasunod ng pagpapasadsad ng Ironmen sa Junior Powrerade sa 0-2 win-loss slate sa PBA  D-League Foundation Cup sa Flying V-Arena sa San Juan City.

Sa pangalawang pagkakataon ay tinampok na bida si Paul Lee na bumuslo ng 22 puntos, 8 rebounds, 4 steals, 3 assists na sinundan ni Kokoy Hermosisima ng 20 points at 4 assists para iwasiwas ang Powerade sa iskor na 86-73.

Nagsara ang unang 20-minuto na may dalawang puntos na kalamangan ang tropa ni coach Lawrence Chongson, 38-36 hanggang magsimulang rumatsada sa 3rd quarter sina Lee, Hermosisima at Ken Acibar tungo sa pag-alagwa ng Cobra na karamihan ay manlalaro ng University of the East Red Warriors sa UAAP.

Ang unang game ay naging balikatan ang salpukan ng Black Water elite at ng Pacific Pipes na kamuntik ng mauwi sa overtime subalit nakaapak sa linya si Rex Leynes sa huling 1.3 secs. sa huling three-point shot na naghatid sa tropa ni Coach Leo Isaac na binubuo ng players ng Arellano Chiefs sa 72-69 final count.

Lilipat sa Adamson University gym ang laro sa pagitan ng Max! Bond at Maynilad na susundan ng banggan ng PC Gilmore vs. Freego Jeans sa Martes, Marso 29 na magsisimula ng alas-dos ng hapon. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply