Coed lamog sa tatlong bagets

AGAD nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang coed makaraang makalabas ng pagamutan matapos bugbugin ng tatlong bagets sa Las Piñas City.

Kinilala ang biktima na si Janine Brigitte dela Cruz, 18, ilang raw ding na-confine sa Zarate Medical Clinic dahil sa mga bugbog sa katawan.

Batay sa reklamo ng biktima, papasok na siya sa classroom sa Saint Mark Institute sa Casimiro Village, Pamplona 3, Las Pinas City nitong Marso 9, dakong 10:30 ng umaga nang harangin ng tatlong bagets na sina Randell Chua, 15, ng 10 Hercules st., Arimens Village, Pulang Lupa Dos, Raffy Diosana, 15, ng Block 9 Lot 24, Sanbayanihan People’s Village CAA at John Albert Brozo, 16, ng Trinidad St., Martinville Subd., Las Pinas City at tinanong kung ano ang kanyang problema.

Nang hindi umano pinansin ng biktima ang pagtatanong ng tatlo ay bigla na lamang siyang sinugod saka pinagsusuntok.

Naawat lamang ang tatlo sa pananakit sa biktima nang makialam ang ibang estudyante. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply