Comelec special elections sa Ilocos Sur itinakda na

MAGKAKAROON na ng kapalit sa puwesto si dating Ilocos Sur First District Rep. Ronald Singson.

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang isang special elections para sa binakanteng posisyon ni Singson sa unang linggo ng Hunyo, 2011.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, natanggap na nila ang notice of expulsion ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Singson kaya isasagawa ang naturang special elections para sa posisyon ng kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur.

Nilinaw din ni Brillantes na manu-mano lamang ang gagawing sistema ng naturang botohan dahil iisang puwesto lamang naman ang kinakailangang iluklok sa puwesto.

Matatandaang nagbitiw si Singson matapos na mahatulan ng Hong Kong Court na mabilanggo ng 18 buwan dahil sa kasong drug trafficking doon. Klye Gatus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply