Command responsibility vs Batangas police chiefs

KAMAY na bakal na salig sa doktrina ng “command responsibility” ang dapat pairalin nina Region 4-A Director Sam-my Pagdilao at Batangas PD, S/Sup. Alberto Supa-po laban sa matitigas ang ulo na hepe ng kapulisan sa Batangas.

Sa kabila kasi ng utos nina Pagdilao at Supapo na magmatyag sa operasyon ng iligal na sugalan, ang police chief ng bayan ng Balite – si Insp. Alfredo Llorin Jr. ay tuod sa mga kautusan ng dalawa.

Sa hurisdiksiyon ni Insp. Llorin ay matagal nang inirereklamo ang operasyon ng beto-beto, kalaskas, sakla, skaylab at iba pang mga ipinagbabawal na uri ng pasugal sa ipinatayong pergalan sa nasabing bayan.

Nagtataka rin naman tayo kay Balite Mayor Joven Hidalgo, kagaya ni Insp. Llorin, bakit ‘di napapansin ang operasyon ng naturang pergalan na tinawag nang mini-casino dahil sa dami ng uri ng pasugal na nakalatag.

Ang masama kasi rito, pati mga bata ay pinapayagang maglaro ng operator, isang nagngangalang ‘Mely’ na may pergalan din sa iba’t ibang lugar ng Region 4A.

Magaling na opisyal si Gen. Pagdilao at dahil lang sa ‘di mahinto-hintong operasyon ng pergalan sa Poblacion 1 ng Balite ay masisira ang pangalan sa mata ng mga  magulang.

Naniniwala tayong‘di papayagan ni Gen. Pagdilao na madungisan ang kanyang malinis na pangalan mula sa maaanghang at negatibong komento ng mga residente na ang mga anak ay nalululong sa paglalaro sa nabanggit na pergalan.

Ang nakakahiya pa, mga pulis pa ni Inps. Llorin at ba-rangay tanods  ni Brgy. Capt. Arcadio Las ang nagsisilbing bantay sa pergalan. Sobra naman na yata ang paglapastangan nila sa batas.

Mga nagpapairal ng batas pa ang mismong bumabaluktot sa batas.

‘Di lang sa Balite may inirereklamong iligal na sugalan. Sa Ibaan ay isang Acedo ang may iligal na pa-bookies ng STL sa Brgy. Munting Tubig; sa Alitagtag ay matindi ang   STL bookies ni Togs; sa Talisay ay arangkada ang STL bookies ni Natanauan; sa Laurel ay ang STL bookies ni Alias Dikoy at sa Agoncillo ay isang pulis na alyas Vergara at ang pamilya nito ang may pa-bookies ng STL. Sa Nasugbu ay pader naman ang operas-yon ng EZ2 ni Konsehala Desiree. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply