Complaints vs Banco Filipino idudulog sa BSP

HINIHIKAYAT ng Malakanyang ang mga apektadong depositors ng Banco Filipino na idulog ang kanilang hinaing sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang malinawan ang katotohanan kaugnay sa sinasabing bank holiday at upang mabigyan-proteksyon ang kanilang inilagak na deposito.

Sa press briefing Miyerkules, Marso 16, sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na bahala na ang mga opisyales ng BSP na tumugon sa mga complaints na matatanggap mula sa libu-libong depositors ng naturang bangko.

Ani Lacierda, ito ay usaping pang-bangko kung kaya’t hindi ito panghihimasukan ng Palasyo at bahala na ang BSP na pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon.

“This is a banking supervision matter. We understand that there were complaints already made against Banco Filipino and we would ask the depositors to refer their complaints to Bangko Sentral,” pahayag ni Lacierda.

Nauna rito, nagpalabas naman ng disclaimer ang pamunuan ng Banco Filipino at binigyan-diin na walang katotohanan na nagdeklara sila ng bank holiday na nagresulta ng pagsasara ng kanilang ilang sangay sa nakalipas na dalawang araw.

Base sa notice ng naturang bangko sa pamamagitan ni Executive Vice President Maxi Abad, kinumpirma nito na sa kasalukyan ay nakararanas ng napakataas na “financial panic” ang kanilang mga sangay dulot ng pangamba ng kanilang mga kliyente sanhi na rin ng umano’y paninira na titigil muli sila ng operasyon tulad ng naganap noon.

Ito ay bunsod sa umano’y smear campaign na ibinabato sa kanilang kompanya na tagilid na umano ang kanilang financial status kung kaya’t nagmamadali ang kanilang mga depositors na mabawi ang kanilang mga idineposito.

Ipinagmalaki pa ng Banco Filipino na sa kasalukuyan ay mayroon silang P30 billion net capital assets kung kaya’t wala silang nakikitang dahilan para hindi pagbigyan ng BSP ang kanilang hinihiling na P3 bilyon na emergency loan assistance. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply