Compliment ng PMAer sa Crame cops: May tulo

HINDI mapigilan ng mga dumalo sa Philippine Military Academy graduation rites ang ilang sinabi ni Pangulong Benigno ‘Noy-noy’ Aquino.

Lalo na yung paglalarawan nito sa isang graduate ng PMA na naging makalimutin sa lahat ng malalaking halaga ng salapi na natanggap o namaniobra nito mula sa pondo ng militar.

Hindi man niya pinangalanan, alam ng mga naroroon kung sino ang pinatutungkulan ni PNoy sa kanyang speech. Sino naman ang makalilimot kaagad sa nagaganap sa Senado na may heneral na biglang nagkakaroon ng sakit na kalimot kung tinatanong na siya ukol sa mga pag-aari niya at ng kanyang misis sa Amerika at sa mga bank account na kung kani-kanino nakapangalan?

May Kamag-anak, Inc. din sa militar, sa hanay ng mga heneral.

Pero sumeryoso ang usapan nang hamunin na ni PNoy ang mga graduate ukol sa nakasisilaw na pera. Halimbawa umanong may magbagsak sa kanilang harapan ng isang trak na pera, pupulutin ba nila iyon at kakalimutan ang mga sinumpaan nilang tungkulin at aral nila mula sa PMA? Gayundin na diniinan ni PNoy ang laban ng pamahalaan sa mga tarantadong corrupt.

Sabi ni PNoy, itinutuwid na nila umano ang mga maling gawa ng nakaraang pamahalaan at ito’y sa pamamagitan ng paghahabol sa mga magnanakaw, kabilang na ang ilang graduate ng PMA.

Mabuti na lang at yung valedictorian nila ay nagsabing hindi porke may bulok na isa o dalawang PMA men ay bulok na rin ang institusyon.

Si Cadet First Class Angelo Edward Parras na valedictorian ang nagsabi noon. O Lt. Parras, pangako yan, ha?
Meron nga pala tayong maidudugtong sa kuwentong ito, Tenyente Parras.

Bata pa ng kaunti at may ranggong kernel ang nakilala nating galing sa PMA.

Valedictorian din iyon at  napagkalooban pa ng saber noong kanyang graduation.

Pero nang naging hepe na siya ng pulisya, naging durugista siya dahil sa impluwensiya ng drug-lord sa kanya.

Minsan pa nga niyang pinainan ng mga may tulong tsiks ang mga galing sa Camp Crame na nagpupunta sa kanila para sa pagpili ng nasabing kampo ng mga best police station of the year. He-he.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply