Computer shop owner todas sa pukpok sa ulo

PATAY ang isang 45-anyos na lalaki matapos looban ng hindi nakilalang salarin at paluin ng martilyo sa ulo sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Joseph Villahermosa, computer shop owner ng 2010 Legarda St., sa nasabing lugar.

Sa report ni SPO2 Gerry Rivera, dakong alas 11:00 Lunes ng umaga, Marso 14, ng matagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang computer shop.

Ayon kay Sonny Valdez, 41, napadaan umano ito sa lugar noong Linggo upang mangalakal  ng mga karton sa bahay bahay malapit sa nasabing shop nang mapansin niya ang dalawang ‘di nakilalang lalaki  na tila may kinukumpuning mga computers sa shop ni Villahermosa.

Lumalabas sa imbestigasyon na may indikasyon na pinalo ng matigas na bagay ang biktima sanhi ng tinamong sugat nito sa ulo.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang daawang kutsilyo  at martilyo na hinihinalang ginamit sa pagpalo sa ulo ng biktima.

Inilarawan naman ni Valdez ang isa sa dalawang lalaki na huling nakita sa shop ng biktima na nasa edad 22-25, 5’5” ang taas, payat, maitim, kulot at may katangusan ang ilong.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply