Computer technician pinagbabaril, patay

UTAS ang isang computer technician matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin habang ang una ay umiinom ng softdrinks sa tindahan sa Caloocan City Huwebes ng hapon, Marso 3.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan si Leonardo delos Reyes, 40, ng Phase 4, Bagong Silang.

Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, umiinom ng softdrinks sa isang tindahan sa Phase 5, Bagong Silang ang biktima nang sumulpot ang mga salarin kung saan isa sa mga ito ang agad na pinaputukan si delos Reyes.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga salarin habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply