Concepcion ihaharap sa Thai pug

NADISKUBRE kahapon na plano ng mga handlers ni Pinoy pug Bernabe Concepcion na iharap ito kay dating world rated Fahsai Sakkreerin (31-2, 16 KOs) na siyang tumalo kay Roel Laguna (11-5-2, 7 KOs) kamakailan sa Thailand.

Ayon sa manager ni Concepcion, tatanggapin nila ang hamon ng kampo ng Thailander.

Gayunman, nilinaw nito na hindi pa nila alam kung kailan maikakasa ang laban ngunit pareho umano silang interesado.

Matatandaang tinalo ni Sakkreerin via 6th round KO ang Cebuanong boksingero na si Laguna.

Bumagsak si Laguna sa round 2 kung saan naputukan ito sa kilay hanggang sa humantong na ang katapusan ng bout sa round 6. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply