Concerned society, bantay sa mga proyekto ng DPWH

“WALA nang matatagong mga transakyon,” ayon kay DPWH sec.Rogelio Singson matapos lagdaan ang Department Order No.14 na lumilikha ng komite na magtatakda ng mga gawain at direksyon ng pagbubuklod ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Concerned Society Organization (CSO) sa lahat ng proyekto ng ahensya.

Maaari umanong makilahok ang mga CSO sa lahat ng aspeto ng mga proyekto simula sa project identification, preparation, budgeting, procurement, implementation, operation, evaluation, at iba pang usapin.

Ito ay pagsunod na rin sa Budget Circular Memorandum No.109 ng Department of Budget and Management na nag-aatas sa anim na national government agencies, kasama ang DPWH, at tatlong government owned and controlled corporations na konsultahin ang accredited CSO sa paghahanda ng kanilang mga FY2012 budget.

Sa puntong ito ay nakipagkasundo na ang DPWH sa isang budget partnership agreement sa isang CSO na “Bantay Lansangan” na isang umbrella group ng lahat ng CSO sa buong Pilipinas at kasalukuyang kabalikat ng ahensya sa pag-momonitor ng mga proyekto nito. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply