Condemned buildings sisimulan nang bakantehin

SISIMULAN na sa Lunes hanggang sa matapos ang buwan ng Marso ang paglilikas sa mga naninirahan sa dalawang condemned building sa Vitas Tenement sa Tondo at sa Sta. Ana, Manila para dalhin sa relocation site na inilaan sa kanila ng pamahalaang lokal.

Ito ang napag-alaman kina Engineer Melvin Balagot ng Building Official ng Manila City Hall at Jay Marzan, City Administrator, sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan St., Sampaloc, Manila kaninang umaga.

Ayon sa kanila, simula sa Lunes hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso ay mapipilitan ang 80 pamilya na bakantehin ang Vitas Tenement maging sa Sta. Ana Ressetlement upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay dahil sa bantang pagguho ng gusali kung sakaling magkaroon ng lindol.

Tuloy din sa ginagawang inspeksyon ang grupo ng lokal na pamahalaan sa mga mall; hospitals at maging sa mga eskuwelahan.

Ayon pa kay Marzan, ang mga pamilyang ililikas ay tutuloy sa Tower Vill sa Gaya Gaya, Bulacan.

Pinag-aaralan na rin ang magiging pabaon sa bawat pamilya para makapagsimula sila ng bagong buhay sa kanilang lilipatan. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply