Congressman Singson nagbitiw na

NAGBITIW na sa pamamagitan ng pagbibigay ng resignation letter si Rep. Ronald Singson sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa pamamagitan ng isang pahinang liham na nilagdaan ni Singson, sinabi niya hindi na niya magagampanan ang kanyang trabaho kaya minabuti nang magbitiw sa kanyang puwesto.

Anang nakakulong na kongresista, naipangako niya sa kanyang ama na si Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na agad siyang magbibitiw kapag naibaba na ang hatol makaraang mahulihan siya ng droga sa Hong Kong.

Ang sulat na idinaan sa email ay nakarating sa Kamara alas 3:40 ng hapon kanina, Marso 1 na agad dinala sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Bukas naman darating ang hard copy ng nasabing dokumento.   Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply