Consumers ng skin whitening product pinag-iingat

NANAWAGAN Lunes, Marso 28, ang EcoWaste Coalition sa pamunuan ng  Food and Drugs Administration (FDA) na mahigpit na bantayan ang mga skin whitening products na ibinebenta sa merkado.

Sa pahayag ng Ecowaste Coalition, marami sa bagong produkto ng skin lightening cream cosmetic na nakalagay sa magandang pakete ay hayagang ibinebenta sa merkado at maging sa bangketa.

Ang iba rito ay walang nakatala o impormasyon kung saan lugar ginawa.

Sa ipinadalang liham ng EcoWaste Coalition, kailangan umanong maging mapagbantay ang FDA dahil ang produkto ay maaaring kontaminado ng toxic chemicals tulad ng mercury na nakasisira ng atay at nervous system.

Batay sa impormasyong nakalap ng grupo, may indikasyon umanong sinangkapan ang skin whitening ng mercury chloride at ammoniated mercury na sinasabing “carcinogenic.” Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply