Consumers umaaray na sa taas-presyo ng tinapay, sabon

UMAARAY na ang consumers bunga ng hindi mapigilang pagtaas ng pangunahing bilihin dahil sa kinakaharap na kaguluhan sa bansa.

Bukod sa walang puknat na oil price hike, nahaharap na naman ang mamamayan sa panibagong pagtaas sa presyo ng tinapay simula bukas partikular na ang branded loaf bread.

Ayon ulat ni Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya, madaragdagan ng P2 ang halaga ng mga tinapay kaya posibleng pumalo ito sa P42 hanggang P57, habang P1 naman sa 10 pirasong pack ng pandesal.

Aminado naman si Maglaya na hindi na mapipigilan ang pagtaas ng naturang produkto dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng harina sa pandaigdigang merkado.

Samantala, hindi naman kasama sa panibagong presyuhan ng loaf breads ang “Pinoy Tasty” dahil mananatili ito sa halagang P38.

Binatikos din ng consumers ang administrasyong Aquino dahil maging ang sabon o bath soap ay posibleng magtaas din.

Nakatanggap na umano ng abiso ang DTI mula sa isang malaking  manufacturer ng sabong pampaligo sa kanilang nakatakdag pagtataas ng dalawa hanggang tatlong porsyentong price hike ng kanilang produkto.

Ito ay bunsod na rin sa pagtaas ng presyo ng ginagamit na sangkap sa paggawa ng sabon partikular na ang blended oils. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply