Container vans idadaan sa radiation scanners

DADAAN na sa radiation portal monitor ang lahat ng container van sa Bureau of Customs na may lamang mga produkto galing sa Japan.

Sinimulan ang paglalagay ng radiation portal monitors sa North at South Harbors sa pamamagitan ng Philippine Nuclear Research Institute upang masuri ang mga van sa posibleng radiation.

Ayon sa hepe ng  Philippine Nuclear Research Institute na si Alumanda de la Rosa, ang hakbangin ay panseguro lamang dahil ang radiation mula sa nasirang nuclear plant ng Japan ay malayong makarating sa Pilipinas kahit lumala pa ang sitwasyon ng planta.

Gumagawa na ng listahan ang PNRI upang maging gabay ng mga tauhan sa Bureau of Customs sa mga produktong kailangang maeksamin sa radiation levels partikular na ang mga pagkain, mga tsokolate, gulay at iba pa.

Inatasan din ng customs ang importers na humingi ng sertipikasyon sa pinanggalingang bansa na ang kanilang mga kargamento ay ligtas sa radiation levels. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply