Cooling system ng reactors magagawa sa Sabado

MAAARING sa Sabado pa magawa ang cooling system ng mga napinsalang reactor ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Ipinahayag ng Tokyo Electric Power Company sa isang press conference, Biyernes ng umaga, na umaasa ito na magagawa ang cooling system ng nasabing planta sa Sabado upang maiwasan ang paglala ng nararanasang krisis-nukleyar doon.

Nasira ang cooling system ng tatlong reactor ng nasabing planta dahil sa power failure nang tamaan ng malakas na lindol na sinundan pa tsunami ang Japan noong Marso 11.

Kahit gumamit ng generators ay hindi rin nakayang  pigilin ang radiation leakage.

Ayon sa kumpanya, kahapon, Marso 17, pa lang ay gumagawa na sila ng bagong power line sa planta upang palamigin ang No. 1 at No. 2 reactor.

Sa ngayon, nagkabit na ng distributor panel sa opisinang katabi ng No. 1 reactor at ngayon ay sinusubukang ikonekta ang power line sa isang transformer sa No. 2 reactor mula sa No. 1 reactor.

Masusing binabantayan din ang mga manggagawa sa nasabing planta ang antas ng radiation dito na anila ay mataas pa rin at may pagkakataong umaabot ito sa 20 millisieverts kada oras.

Umaasa din ang Tokyo Electric na makukumpleto ang mga kable ngayong Biyernes ng hapon para maikabit ang power lines sa dalawang reactor sa Sabado. Bineza Zapanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply