Cory Aquino volunteer tumalon mula sa 17th floor, dedo

AGAD na namatay ang isang Cory Aquino volunteer makaraang tumalon ito sa 17th floor ng Tuscany Condominium sa Makati, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Cita Dinglasan, nasa pagitang ng 26-32 taong-gulang sa pamamagitan ng nakuhang identification card (ID) dito.

Si Dinglasan ay tumalon umano sa naturang condominium sa No. 6731 Ayala Avenue ng nabanggit na lungsod dakong 6:30 ng umaga.

Ang biktima ay namatay bunga ng pagkakabasag ng bungo at pagkakapilipit-pilipit ng katawan.

Inaalam pa ng awtoridad kung tumalon o nahulog mula sa mataas na gusali ang biktima. At iniimbestigahan na rin kung ano ang naging motibo ng biktima para magpakamatay. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply