Cotto, Mayorga magsasalpukan bukas

MAGKAKASUBUKAN na ng lakas b ukas sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sina Miguel Cotto at Ricardo Maryorga. Ang laban ng dalawa ay para sa 154 lbs championship belt ni Cotto kung saan nangako si Mayorga na kanyang aagawin.

Sina Cotto at Mayorga ay kapwa tumimbang ng 154 lbs kanina sa ginanap na weigh in.

Matatandaan na isa rin si Cotto sa mga naging biktima ng P4P king Manny Pacquiao kung saan natalo niya ito via 12th round KO noong 2009.

Lalaban din si Yuri Foreman, 155, kay Pawel Wolak, 154, sa nasabi ring venue.

Samantala, sa hiwalay na venue ay maghaharap naman para sa WBC Middleweight Diamond Championship crown sina 2010 Fighter of the Year Sergio Martinez at Sergiy Dzinziruk.

Nakataya rin sa laban ang HBO World Championship Boxing. Gilbert Perdes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply