KOOL 8 Enterprises kinasuhan ng Customs

SINAMPAHAN na ng Bureau of Customs (BoC) ngayon ng multi-million kasong technical smuggling ang isang pangunahing importer ng sliced potatoes kaugnay sa maling deklarasyon sa importasyon ng produkto.

Ayon kay Customs chief Angelito Alvarez, isinamapa nila ang P380-million kaso laban kay Ramon Maambong Pinero, may-ari ng  KOOL 8 Enterprises, at Ricardo Ebuna, isang Parañaque-based Customs broker.

Isinampa ang kaso sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa gross undervaluation at paggamit ng palsipikadong dokumento.

Napag-alaman na ang sliced potatoes na ipinasok ni Pinero ay lumalabas na may kabuuang halagang P10.2 million kilos at idineklara lamang sa halagang  $.47 o P20 per kilo.

Ayon sa ulat ni Alvarez, sa buong panahon ng  17 buwan mula October 2009, ang Kool 8 ay nagpasok mula sa  Unites States ng kabuuang 10,246,420 kilograms ng tinabas na patatas.

“Divided into 112 import entries which were unloaded at the Manila International Container Port (MICP), Kool 8’s shipments were assessed a value added tax (VAT) totaling only P25.9 million since the

company falsely declared a total dutiable value of only P216.6 million,” paliwanag ni Alvarez.
Batay sa ginawang imbestigasyon ng grupo ng  Run After The Smugglers (RATS) group, isa sa mga  importers ang nagdeklara ng produktong patatas na mula sa U.S. sa halagang  P40.40 per kilo.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang  kabuuang importasyon ng KOOL 8’s ay dapat na ideklara sa  P380 million at bukod sa babayarang  VAT sa halagang P45.6 million.

Natuklasan ni Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez ng RATS na ang kompanya ay nagbigay ng peke at kaduda-dudang invoices para mapagtakpan ang pandaraya.

Inatasan ni Alvarez si Chavez na isumite ang post-entry audit sa mga naunang importasyon ng KOOL 8 bago pa mag-October 2009.

Kasabay nito, pinaiimbestigahan na rin ni Alvarez ang mga Custom employees na may kaugnayan sa modus operandi ng KOOL 8. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply