DA ipinagmalaki ang pagbaba ng presyo ng ilang gulay

MARIING ipinagmalaki ng Department Of Agriculture (DA) ang pagbaba ng presyo ng karamihan sa mga gulay ngayon sa pamilihan.

Bagama’t patuloy ang pagtaas ng produktong petrolyo, harina, cooking gas, cooking oil at iba pang pangunahing bilihin, ipinangalandakan ni Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup na ang resulta ng kanilang monitoring sa regional offices sa Cordillera ang dahilan ng patuloy na pagbaba sa presyo ng gulay na nanggagaling doon.

Kabilang sa mga gulay na nagbaba ng presyo ay baguio beans, kamatis, talong, carrots at iba pang gulay mula sa nasabing rehiyon, samantala ay inaalam pa ngayon ng DA kung saan nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng mga gulay.

Samantala ay wala pa ring paggalaw sa presyo ng manok sa Mega Q-Mart sa Quezon City, ngunit sa Pasay Public Market pumapalo sa P150 kada kilo ng manok.

Pero sa pinakahuling price monitoring ng DA, mabibili pa rin umano sa halagang P125 kada kilo ang whole chicken habang P130 naman ang bawat kilo ang choice cut.

Tumaas naman ng P5 ang kada kilo ng karneng baboy sa nasabing pamilihan, sa isda naman, tanging tulingan lang ang nagmahal na P100 ang kada kilo mula sa dating P80.

Nakapako naman sa P85 ang kada kilo ng bangus at tilapia. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply