Dagdag burial assistance sa veterans ipinasa na

MADARAGDAGAN na ang burial assistance para sa mga beterano na ipinagkakaloob ng gobyerno mula sa dating P10,000 ay magiging P20,000 na.

Ito ay matapos ipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala na pangunahing inakda ni Bataan Rep. Herminia Roman, chairperson din ng House committee on veterans affairs and welfare.

Kung ganap na maisabatas ito ay malaking tulong para sa pamilya ng mga beterano, ani Roman.

Sa paniniwala ni Roman ay hindi sapat ang P10,000 na burial assistance sa mga yumaong betereno dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon at sa taas ng mga bilihin

Paniwala rin ni Roman na kailangang mabigyan ng disenteng libing ang mga yumaong beterano bilang pagkilala sa naiambag nila noong panahon ng digmaan.

“A decent internment befitting a gentleman in uniform should be accorded to our veterans. The measure is in recognition of the heroic services of the veterans, in times of war and peace,” ayon kay Roman.

Sa ilalim ng panukala, ang P20,000 ay ipagkakaloob sa taong gumastos o nagpalibing sa yumaong beterano bilang tulong ng pamahalaan.

Ang House Bill 229 ay inaamiyendahan ang Republic Act 6948, mas kilala bilang “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Dependents.”

Tinukoy sa panukala na ang mga Pilipinong beterano ay yaong mga nagbigay ng kanilang serbisyo sa militar sa panahon ng rebolusyon laban sa Espanyol, Phil-Am War, World War II at ang mga Pilipino na nagsilbi sa Allied Forces in the Philippine Territory, sa pwersa ng Pilipinas, Korean Campaign, Vietnam Campaign, Anti-Dissidence Campaign at iba pang giyera military.

Kabilang din sa mabibigyan ng benepisyo ang mga beteranong Pilipino o sundalo na nagsilbi sa Armed Forces of the Philippines (AFP), silang nagsilbi sa gobyerno ng anim na taon at nagkasakit at nagkaroon ng kapansanan sa panahon ng kanilang panunungkulan. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply