Dagdag na P75 sa minimum wage kailangan – TUCP solon

NANINIWALA ang Trade Union Congress Party (TUCP Party-List)  sa panukalang pagdaragdag ng P75 sa sweldo ng mga mangagawa sa Kamaynilaan sa gitna ng nagtataasang presyo ng langis  at mga  pangunahing  pangangailangan  nitong unang tatlong buwan ng taon.

Ayon kay TUCP Rep. Raymond Mendoza, ang kasalukuyang  minimum wage na P404 sa NCR  ay hindi sapat upang matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan ng isang pamilya.

Aniya, maraming mga negosyo ang hindi nagbabayad  ng  minimun wage kaya  lalong bumababa  ang kalidad ng antas ng kabuhayan ng mga  manggagawa.

“Most of our workers and their families are not able to buy quality and nutritious foods. Most of them are living in poverty” dagdag pa ni Mendoza.

Ipinunto ng TUCP ang mga presyo ng bilihin  sa pagitan ng  July 2008 at December 2010 ay tumaas  ng  4.4 porsiyento  na  may katumbas na  P16.80.

“The CPI for 2011 is projected to rise by 10 percent, which will translate to a P40.40 increase in prices. The monetary sum of the actual and projected lost purchasing power of minimum wage earners since 1989 that there were no real increases in real wages is P42. Less than the P22.00 wage increase granted in July 2010, the labor group’s summation for a new wage increase petition is P77.20 rounded off as P75.00.”

Ito ang  dahilan ng TUCP na magsampa  ng  P75  across-the-board wage hike  upang  mailigtas lamang  ang mga manggagawa  sa resulta ng inflation.

Ayon kay Mendoza, ang kanilang grupo ang nag-file ng panukalang magtaas ng P75 sa minumum wage sa NCR noong Marso 2010, ngunit nadagdagan lamang ng P22 ang mga minimum wage earner.

Kamakailan ay ibinasura na ng Department of Labor and Employment (Dole) ang pagdaragdag  ng  sahod  nitong taon  at maging  ang  Employers Confederation of the Philippines (ECOP)  ay nagsabing  hindi kayang magdagdag ng sweldo ng business sector.

Sinabi ni Mendoza, hindi kalabisan ang pagdaragdag ng P75 at ito aniya ay sumasapat lamang  na pang-alpas  sa  mga  gastusin  na  dala ng  inflation rate. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply