Dagdag sahod sa mga hukom isinulong

INAPRUBAHAN na ng mga hukom mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kasunduan para sa pagpapatupad ng dagdag-sahod sa mga hukom sa General Assembly na idinaos sa Century Park Hotel sa Maynila.

Ayon kay Judge Antonio Eugenio, Presidente ng Philippine Judges Association, mahigit 700 hukom mula sa mga Municipal, Metropolitan at Regional Trial Court sa buong bansa ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Nakasaad sa binalangkas na Memorandum of Agreement kung paano ipatutupad ang Special Allowance for Judges o SAJ at ang Salary Standardization Law para sa mga hukom.

Ang balangkas na kasunduan ay nabuo matapos ang serye ng pagpupulong sa pagitan ng  mga kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng mga opisyal ng Philippine Judges Association, Philippine Trial Judges League at Metropolitan and City Judges Association of the Philippines.

Bigo namang makadalo sa pagpupulong si Budget Secretary Butch Abad na nagpadala na lamang ng kinatawan sa katauhan ni DBM Director Tina Rose Marie Canda.

Sinabi ni Eugenio na nakatanggap naman sila ng positibong tugon mula sa DBM dahil aprubado naman daw kay Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing kasunduan. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply