Dahil sa ‘BO’ ng suspek, panghahalay naudlot

INILIGTAS ng malakas na putok sa kili-kili mula sa libog na binatang kapitbahay ang isang ginang na pinagtangkaang halayin sa Caloocan City, naiulat nitong Lunes, Marso 7, Lunes.

Ang biktima, na itinago sa pangalang Cecil, 27, ay pormal na nagsampa ng reklamo laban sa suspek na si Raymundo dela Rosa, 30, ng Block 17, Lot 10, Sunriser Village, Barangay 167,  ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng ginang, nagising nang maramdaman niya na ang panghihimas ng suspek sa kanyang  dibdib at ibang bahagi ng katawan.

Sa pag-aakalang kagagawan ito ng kanyang kinakasama, hinayaan niya ang panghihimas ng suspek, subalit nang maamoy ng biktima ang kakaibang alingasaw sa kili-kili ng humihimas, naghinala siya na ibang tao ang kasama nito sa silid.

Dahil dito, nagpumiglas ang biktima at dali-daling binuksan ang ilaw. Nang lumiwanag ay nakita niya ang suspek sa kanyang harapan.

Nanlaban ang biktima at nagsisisigaw ito hanggang sa tumakbong palabas ng lugar ang suspek, na mabilis ding nadakip ng mga tanod si Dela Rosa.

Nabatid na puwersahang dinistrungka ng suspek ang bintana ng bahay ng biktima at posibleng nasugatan ito kaya’t may mga patak ng dugo sa sahig ng silid. Merly Iral

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply