Dahil sa lindol sa Japan: Show nina Marian and Dingdong tsinugi

HINDI na matutuloy sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang show sa Tokyo, Japan na naka-schedule sana sa April 24 (Easter Sunday). Ang dahilan ay ang hindi inaasahang pangyayari sa Japan, ang paglindol at tsunami na kumitil ng maraming buhay.

Sabi naman ni Marian, hindi naman raw totally cancelled ang show nila ni Dong sa Japan, kundi postpone lang kaya looking forward pa rin sila na matutuloy rin na may kinalaman sa ika-anim na anibersaryo ng GMA Pinoy TV sa nasabing bansa.

Kung hindi nagkaroon ng trahedya sa Japan ay two in one raket sana ang gagawin nina Marian at Dong dahil bukod sa event na kanilang dadaluhan ay mayroon din silang magkahiwalay na product endorsement doon.

Ang lugar na pupuntahan sana nila sa Japan ay ang theater na Kudan Kaikan sa Tokyo na bumagsak ang ceiling sa lakas ng lindol na ikinamatay ng dalawang tao. Dahil sa nangyari ay minabuti ng management na kanselahin lahat ng naka-schedule na events sa naturang venue.

LORIN AT VENICE, AYAW NANG MAG-ASAWA ANG INANG SI RUFFA

Kung ang mga anak lang ni Ruffa Gutierrez ang masusunod lalo na ang bunso niyang anak na si Venice ay ayaw ng mga ito magkaroon ng ibang boyfriend ang kanilang mommy dahil gusto nila na ang kanilang ama pa rin si Yilmaz Bektas ang makabalikan nito. Natatawa naman si Ruffa sa naging pahayag ng anak.

Inamin naman ni Ruffa na kahit apat na taon na silang hiwalay ni Yilmaz ay updated pa rin ito sa mga nangyayari sa kanya sa Pinas.

Natawa at nagulat nga raw si Ruffa nang may magtanong kay Venice kung may bagong boyfriend ang kaniyang mommy Ruffa?

Sumasagot raw ito na walang boyfriend ang mommy dahil ang daddy niya (Yilmaz Bektaz) pa rin raw ang boyfriend ng mommy niya.

Pinagsasabihan at pinagbabawalan nga raw ni Venice si Ruffa na huwag makikipag-boyfriend.

Sa halip na magalit ay natatawa na lang raw si Ruffa sa anak. Masaya na raw siya kahit loveless dahil nandiyan naman ang kaniyang dalawang anak at may bago pa siyang teleserye sa TV 5,  bukod sa pagho-host ng Paparazzi every Sunday.

Samantalang kumusta naman ang pagbabati nila ni Kris Aquino?

“I`d like to believe na sincere ang pakikipagbati niya sa akin. If not, she doesn’t have to go out of her way para batiin ako.

“We all know, that she`s frank. Hindi niya kailangan makipagplastikan sa akin. Basta bati na kami.

“Hindi naman ako nagtatanim ng galit. Minsan nga nakakalimutan ko ang ginagawa nila sa akin, di ba? I don’t hold grudges kasi yun ang nagpapa-wrinkle, di ba? “ mahabang tsika ni Ruffa.

**************

Pressure para kay Richard Gutierrez ang pagganap niya muling Captain Barbell kung saan kalaban niyang mortal si Christopher de Leon.

Sabi ni Chard, natakot at ninerbiyos daw siya nang maka-eksena si Boyet. Baka raw kasi siya magkamali sa kanilang eksena, Nakakahiya raw para sa isang multi awarded actor na magkamali.

Maganda pa sa part 2 ng CB ay limang leading ladies ang makakasama ni Chard at pawang magaganda na sina Solenn Heusaff, Lovi Poe, Isabel Oli, Ellen Adarna at Michelle Madrigal atbp.

Nagpahayag ng kanilang damdamin ang mga leading ladies ni Chard.

Iisa ang kanilang sagot sa tanong kung anong masasabi nila at kung possible bang mahulog ang loob nila sa isang Richard Gutierrez?

Nagkakaisang sinabi ng mga limang leading ladies na: “Sino ba babae ang hindi mai-in-love kay Chard. Lalo na siguro kung may power siya tulad ni Captain Barbell.”

Lahat ay takaw pansin lalo na si Lovi Poe na naka-mini dress na hapit na hapit sa katawan kaya tuloy lalong lumutang ang kaseksihan ng dalaga.

Si Solenn naman ay hapit na hapit din ang suot at halos lumuwa na ang dibdib na natatakpan lang na kaniyang buhok.

Naka-backless naman si Isabel Oli at kahit balot na balot ang kasuotan nina Ellen at Michelle ay bakas pa rin ang kanilang kaseksihan.

Napaka-sexy ng costume ni Ellen sa CB na halos kita na ang buong katawan. Makakalaban niya si Richard. Curious lang ang kapatid namin sa panulat kung nakakapag-concentrate raw kaya ang actor sa fight scene nilang dalawa? Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply