Dahil sa mga depekto: Honda, Toyota, Chrysler ibabalik

NAG-RECALL ng mga sasakyan sanhi ng iba’t ibang depekto ang Honda at Toyota, pawang mga kompanya ng Hapon, at ang Chrysler ang Estados Unidos, ayon sa isang U.S. government agency website.

Tinatayang 22,000 na sasakyan ang ni-recall ng Toyota mula 2008 hanggang 2011. Kasama rito ang kanila mga modelong Tacoma at Tundra Pick-up trucks, Land Cruiser at Sequoia dahil sa problema nito sa tire pressure monitoring system, pahayag ng National Highway Traffic Safety Administration (NHTSA) ng U.S.

Ang Honda naman ay nag-recall ng 36,656 na Honda Civic hybrid vehicles na mga gawa ng 2006 at 2007 dahil sa problema naman sa faulty electrical system ng battery.

Samantalang ang Chrysler ay ipinaalam sa NHTSA na kanilang ipapabalik ang 20,459 na Jeep Wrangler na mga modelong 2010-2011 dahil sa problema umano sa axle attachments na maaaring mawalan ng kontrol sa manibela. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply