Dahil sa tsunami, PBA games nilangaw

NILANGAW ang Philippine Basketball Association (PBA) games sa Araneta Coliseum kahapon dahil sa lindol at tsunami na naganap sa Japan.

Ayon sa mga sources, mistulang naging ghost town ang Araneta dahil wala halos nanood sa panalo ng Barangay Ginebra at Talk N Text laban sa kani-kanilang respektibong kalaban sa PBA Commissioner’s Cup.

Pinadapa ng Gin Kings ang Powerade Tigers squad, 107-92, sa main game ng itinakdang doubleheader subalit nalugi naman ang liga dahil walang fans na nagsipunta.

Ipinalagay ng mga kritiko na ito ay dulot ng takot na inihatid ng lindol at tsunami sa Japan na bago ang PBA games ay inaasahang tatama rin sa bansa, ayon na rin sa pagtataya ng mga eskperto.

Hindi naman pinaporma ni Nate Brumfield, ang do-it-all import ng Ginebra si Russel Carter na panlaban sana ng Tigers.

Samantala, nanalo naman ang Tropang Texters laban sa Meralco Bolts, 109-106, sa first game kung saan hindi rin umubra ang bagsik ni Meralco import Chamberlain Oguchi.

“We almost paid dearly for my stubbornness that Paul Harris could play defense,” pahayag ni coach chot Reyes matapos ang laro. “We’re really, really a terrible defensive team right now. We’ve got to figure out other ways next time. We’re lucky to escape this time.” Gilbert Perdes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply